Tuliro

tuliro

Sumusulat na naman akong muli tungkol sa’yo, para sa’yo. Sa totoo lang hindi ko inakalang maglalaan pa pala ako ng isang pahina ng buhay ko sa isang taong hindi ko lubos pang kilala. Nakakagalak ng damdamin sa tuwing naiiisip kong isa ako sa pinagkakatiwalaan mo. Tuwing may bagong mangyayari sa’yong banda, nilalapitan mo ako at handa kang magkwento. Sabihin na nating palakwento ka lang talaga kahit sa ibang tao. Pero natutuwa akong binabahagi mo sa akin ang higit pa sa mga hilig mo. Magkaibigan tayo, alam na alam ko ‘yon. Siguro nga hanggang kaibigan lang talaga ako. Kaya bakit nila ako tatanungin kung umaasa ba raw ako. Sabagay wala pa naman akong nararamdaman? Kasi crush lang naman daw kung baga simpleng paghanga lang, lilipas din. Parang bata lang diba? Baka tama nga sila. Siguro napapangiti lang talaga ako sa tuwing nakikita kita, siguro iba lang talaga ‘yong pakiramdam kapag naririnig ko ang boses mo, siguro hindi ko lang talaga mapigilang tumawa sa mga biro mo, siguro normal lang talaga ang masabik sa mga bagong kwento mo. Hala, ewan bakit ba kita sinusulatan? Dalawang buwan pa lang naman nang maramdaman kong tila nagugustuhan na kita. Hala, ewan bakit ba ako nagbibilang? Sabi kasi nila kapag lumampas ng tatlong buwan, pag-ibig na raw? Hala, ewan ko rin. Hindi siguro kasi ang bilis naman kung ganoon diba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s