Alinlangan

Lalapitan na sana kita

Kaso nahihiya akong mauna

Baka kasi isipin mong gusto kita palaging makasama

Baka isipin din ng iba nilalandi lang kita

O kaya naman sabihing hindi pala ako ‘Maria Clara’

Na nagkamali sila sa kanilang pagkakakilala

 

Kakausapin na sana kita

Kaso baka mabulol lang ako

Natatakot akong baka matulala lang sa mukha mo

Ang sarap kasing pakinggan ng boses mo

Para siyang pampakalma sa maingay kong mundo

Hinahanap hanap ng tainga ko

 

Ngingitian na sana kita

Aasa na naman akong doon magsisimula

Na pupuntahan mo ako at magkukunwaring di nabigla

Na magkukwentuhan tayo tungkol sa’yong banda

Habang ako’y nagdaramdam ng mga bagay na di mo nakikita

At hindi natin mamamalayang ang oras ay tila lumilipas na

 

Mamahalin na sana kita

Ginagago kasi ako ng puso ko, hindi ko alam kung totoo ba talaga

Alam ko kasing di ako ang tipo mo’t nakatingin na sa iba ang ‘yong mga mata

Sino nga ba naman ako diba, isang ordinaryong dalaga

Umaasa, umaasa, umaasa pa rin kahit nahihirapan na

Pero kahit di ako ang piliin mo, tanggap ko mahal, pangarap lang kita

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s