Pagod Na Akong Umupo

Ang tagal ko nang hinihiling na ako na lang sana
Kasi pipiliin kita kahit hindi ako maganda
Kahit hindi kasing puti’t kinis ng balat ako ang balat niya
Kahit ang haba ng buhok ko’y umabot pa hanggang paa

Ang tagal ko nang hinihiling na ako na lang sana
Kasi pipiliin kita kahit hindi ikaw ang pinakagwapo
Kahit milyun-milyong lalaki pa ang ihain ng mundo
Hahanapin kita saan mang sulok ka nila itago

Ang tagal ko nang hinihiling na ako na lang sana
Kasi pipiliin kita kahit minsan ‘di mo na magets ‘yong sarili mo
Handa akong intindihin ang bawat bagay na gumugulo sa isipan mo
Sasamahan kita sa bawat byahe ng buhay mo

Ang tagal ko nang hinihiling na ako na lang sana
Kasi pipiliin kita kahit hindi ka pa sumisikat
Habang ‘di pa handang mabasa ng mundo ang ‘yong mga sinulat
Na sa gitna ng bawat pahina mo piniling ikwento lahat

Ang tagal ko nang hinihiling na ako na lang sana
Kasi pipiliin kita kahit tingin mo’y sa lipunang ito’y wala kang halaga
Nandito lang ako sa tabi mo kahit para sa iba’y wala kang kwenta
Sabay nating pangarapin na balang araw pangalan nati’y makikila nila

Ang tagal ko nang hinihiling na ako na lang sana
Kasi hanggang ngayon, mahal, ‘di pa rin ako nawawalan ng pag-asa
Pag-asang darating ang panahong sa akin mo na ibabaling ang ‘yong mga mata
At magiging ako na ang paksa ng ‘yong mga sinusulat na tula’t kanta

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s